para kay neil

ang mga mata ko’y sa’yo lang titingin
sa diyos sa langit ikaw lang ang hiling
kahit sino pa ang aking makita
ikaw pa rin ang aking sinisinta

kahit pa manligaw si piolo pascual
pangako sa’yong ikaw lang ang mahal
wala akong pakialam kay jericho
dahil sa’yo lamang ang pag-ibig ko

haranahin man ako ni christian
isama pa si mark at eric sa kantahan
wala akong iba pang maririnig
kundi ang napakaganda mong tinig

kahit pa bigyan ako ni aga mulach
ng libu-libong mga bulaklak
wala ‘yong halaga sa akin
ikaw pa rin ang iisipin

‘pag niyaya akong mag-date ni geoff eigenmann
ako’y tatanggi nang walang alinlangan
si john lloyd kahit tumawag sa’kin
hinding-hindi ko s’ya kakausapin

hindi ko papansinin si sam milby
at kahit pa muling mabuhay si elvis presley
kahit pa sinong sikat sa buong mundo
sa’yo ay wala pa ring tatalo

si michael buble’ man ang umawit
pag-ibig man niya’y hanggang langit
‘wag na ‘wag kang magdaramdam
ako sa iyo’y di magpapaalam

wala akong ibang hiling
kundi ikaw lamang ang makapiling
nag-iisa lamang ang nais ko
ang makasama ang tulad mo

tagaytay112

sa jan 14 mo na basahin ahahaha (isang matamis na liham mula kay neil)

Ayun pasensya naman. Maganda naman talaga yung ideya ko. Plano ko sana na gumawa ng painting ng mukha mo, gamit na reference yung picture mo sa bangka (Kung mga kanta ang pictures, yung ang unang track sa greatest hits mo). Kaso, kagaya ng relihiyon at gobyerno, sumasablay na yung idea pagdating sa totoong buhay kasi palpak yung nag-execute. Eto yung una kong nagawa, inisketch ko muna gamit ang bolpeng mumurahen:

http://i14.photobucket.com/albums/a314/neilencio/cee.jpg

O di ba? Hindi mukhang cecilia. Mukhang Orc sa Lord of the Rings. Pero hindi ako madaling sumuko, tinry ko naman na parang painting…at eto ang kinalabasan:

http://i14.photobucket.com/albums/a314/neilencio/cee2.jpg

Ang gara di ba? Hindi sya mukhang normal na painting. Para kong nagpainting ng wax figure mo, na matagal nang naiwan sa arawan kaya natunaw.  

Napagpasyahan kong idrawing na lang ang relationship nating dalawa. PERO…kahit nabuhay ako ng ilang taon sa pagiging Artist at pagiging writer, e ikinahihiya kong aminin na hindi ako marunong gumamit ng simbolismo o ano mang ka-ek-ekan kung saan ilalarawan ko ang ating pag-ibig bilang isang busilak na brilyanteng galing sa dumi ngunit nilinang hanggang maging isa sa pinakamaganda at pinakamatibay na bagay sa balat ng lupa, tapos may konting design-design sa gilid na kulay blue, nakalimutan ko na kung anong ibig sabihin nun. Hope yata o faith o baka hindi lang marunong magkulay yung gumawa at aksidenteng nakaskas nya yung blue craypas sa gilid – pero hindi na importante kasi hindi naman yun ang drawing ko para sa relationship natin.

Hindi ako gagamit ng simbolismo dahil simple lang ang description ko sa ating pagsasama: CUTE. Kasing cute ng dalawang pusang magkayakap sa tuktok ng mataas na puno, parehas silang natatakot dahil hindi nila alam kung paano bumaba pero masaya pa rin sila dahil ang importante ay magkasama sila, at magkayakap. Happy 1st month, cecilia. I love you so much.

http://i14.photobucket.com/albums/a314/neilencio/pusa.jpg

1_323094780l2