sa jan 14 mo na basahin ahahaha (isang matamis na liham mula kay neil)

Ayun pasensya naman. Maganda naman talaga yung ideya ko. Plano ko sana na gumawa ng painting ng mukha mo, gamit na reference yung picture mo sa bangka (Kung mga kanta ang pictures, yung ang unang track sa greatest hits mo). Kaso, kagaya ng relihiyon at gobyerno, sumasablay na yung idea pagdating sa totoong buhay kasi palpak yung nag-execute. Eto yung una kong nagawa, inisketch ko muna gamit ang bolpeng mumurahen:

http://i14.photobucket.com/albums/a314/neilencio/cee.jpg

O di ba? Hindi mukhang cecilia. Mukhang Orc sa Lord of the Rings. Pero hindi ako madaling sumuko, tinry ko naman na parang painting…at eto ang kinalabasan:

http://i14.photobucket.com/albums/a314/neilencio/cee2.jpg

Ang gara di ba? Hindi sya mukhang normal na painting. Para kong nagpainting ng wax figure mo, na matagal nang naiwan sa arawan kaya natunaw.  

Napagpasyahan kong idrawing na lang ang relationship nating dalawa. PERO…kahit nabuhay ako ng ilang taon sa pagiging Artist at pagiging writer, e ikinahihiya kong aminin na hindi ako marunong gumamit ng simbolismo o ano mang ka-ek-ekan kung saan ilalarawan ko ang ating pag-ibig bilang isang busilak na brilyanteng galing sa dumi ngunit nilinang hanggang maging isa sa pinakamaganda at pinakamatibay na bagay sa balat ng lupa, tapos may konting design-design sa gilid na kulay blue, nakalimutan ko na kung anong ibig sabihin nun. Hope yata o faith o baka hindi lang marunong magkulay yung gumawa at aksidenteng nakaskas nya yung blue craypas sa gilid – pero hindi na importante kasi hindi naman yun ang drawing ko para sa relationship natin.

Hindi ako gagamit ng simbolismo dahil simple lang ang description ko sa ating pagsasama: CUTE. Kasing cute ng dalawang pusang magkayakap sa tuktok ng mataas na puno, parehas silang natatakot dahil hindi nila alam kung paano bumaba pero masaya pa rin sila dahil ang importante ay magkasama sila, at magkayakap. Happy 1st month, cecilia. I love you so much.

http://i14.photobucket.com/albums/a314/neilencio/pusa.jpg

1_323094780l2

Advertisements

7 thoughts on “sa jan 14 mo na basahin ahahaha (isang matamis na liham mula kay neil)

  1. WAAAA, hindi ko kineri ang hindi mag-comment. Nahipuan ako sa lableter na ito. HAHA. Hapi relasyon sa inyong dalwa! *group hug*

  2. nudels.. i’m so so late pero naman.. wala na.. tunaw na tunaw na ako sa inyong dalawa!

    keep it coming! i’ll always be here for you and gramps 🙂 mwah!

    Group Hug Jumping Apir!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s