teaser ng kilig moments (isang liham para sa isang kaibigan)

ahay sa ngayon, sa ganitong paraan ko muna ikukwento ang mga kilig moments sa nakalipas na ilang buwan. pero pramis, wala ito sa kalingkingan ng kilig na nararamdaman ko ahaha.
basta nung sinimulan n’ya kong kulitin sa ym, akala ko, joke lang kasi nga diba bossing sha. tas hanggang everyday every night na kaming magkachat. dumating sa point na mejo nag-iwasan kami (more of iniwasan n’ya ko ahaha) kasi nga may feelings na ata ahay. hanggang sa naisipan namin parehong magmit. ayun. after a week ata, krismas party ng company namin, tas after one week pa ulet, kami na *kilig*. di ko alam kung may nangyaring ligawan (o ako ata ang nanligaw) kasi eversince, sobrang palagay na loob namin at undeniable ang attraction. probably, we felt something for each other even from the start, kailangan lang ng formality. ayun nung start mejo nagkakaroon ng conflicts kasi mejo seloso ang lolo mo at mejo possessive. super sensitive sha pramis (mas sensitive pa sakin) na nung una nga nagiging cause ng issues. pero ngayon, pareho na kaming nakapag-adjust *super hapi*.
 
nung una, intimidated ako sa kanya kasi nga sikat sa internet at sobrang intelektuwal. at shempre, flattered ang lola mo nung nalaman ko ang feelings nya for me na sa dinami-dami ng babae, nahulog sha sa piktur ko sa prengster ahahaha. kung pede ko lang i-paste dito lahat ng logs namin sa ym mula simula hanggang ngayon, ginawa ko na. kaso nagwori ako baka langgamin ang pc mo sa sobrang sweetness at sa akin mo pa i-charge ang pagpagawa muhaha.
 
ayun nga. he’s the sweetest man. the most sensitive. the most loving. the most talented. the best. di ko na maimagine ang sarili ko na hindi sha ang kasama. pramis. he made me believe in love again and in miracles.
 
kung gaano sha ka-sweet nung mga unang araw kaming nagkakilala sa ym, ganun pa rin sha ka-sweet ngayon. walang pinagkaiba. kung meron man, mas lalo lang shang naging romantic. ahay. di naman obyus na inlab na inlab na inlab ako no? ahahahha sori naman inlab na inlab na inlab nga ako.
 
yun lang. kailangan ko munang tigilan ang pagkukwento at baka ako naman ang langgamin dito ahaha. kwentuhan na lang ulet sa susunod. amishu
1_907862782l1
Advertisements

isang liham para sa ika-dalawang buwan ng matamis na pag-iibigan

Neil,

     Wala na.

     Wala na akong masabi.

     Ang dalawang buwan ay para bang dalawampung taon.

     Sa sobrang dami ng mga nakatutuwa, nakakikilig, nakaaaasar at nakawiwindang na pangyayari, pakiramdam ko ay habang buhay na tayong magkasama.

     Sa tuwing mayroon tayong hindi pagkakaunawaan, minsan gusto ko nang sumuko at tigilan na lang ang lahat. Pero anu ba, para ko namang pinigilan ang sarili ko na huminga.

     Gano’n ang nararamdaman ko para sa’yo. Na parang kapag nawala ka ay hindi ako makakahinga. Ikaw ang isa sa mga dahilan kung bakit ako masaya at ayokong mawala ‘yon.

     Sa tinagal-tagal ng panahon ng paghihintay at pag-asam sa isang tulad mo, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip na nagkaroon ako ng pagkakataon na makilala ka.

     Nasabi ko na sa’yo noon na isa ka sa pinakamalalim na nilalang na nakilala ko sa buong buhay ko at hindi ako magsasawa na sabihin sa’yo na isa kang henyo (ang umangal, itutulak ko sa bangin). Totoo ‘yon at hindi magbabago ang paniniwala ko’ng ‘yon sa pagdaan ng maraming panahon. Nirerespeto kita (kahit minsan hindi halata). Nirerespeto ko lahat ng pinaniniwalaan at sinasabi mo.

     Hindi ko inaasahan na mayroon pa pala’ng lalaking katulad mo na nabubuhay sa mundo – sensitibo, mapagmahal, maaalalahanin, makulit, sentimental, intelektuwal sa lahat ng bagay (wala itong eksaherasyon). Ikaw ‘yung madalas kong gawing bidang lalaki sa aking mga nobela.

     Sabi ko, wala na akong masabi pero heto, may sasabihin pa ako-

     Mahal na mahal kita, Neil. Kalimutan mo na ang lahat ng una kong mga nasabi, ‘wag lang ‘tong huli.

                                                                                                             Cee

sp_a26524