Nais Ko’y Ikaw

2722712047_6bccceb8b3

 Nais kong magisnan ang bukang-liwayway
Na ikaw ang kasama
Madama ang simoy ng hangin
At lamig ng umaga

Nais kong hawakan ang iyong mga kamay
Sa tuwing titingin sa langit
Sabay nating bibilangin ang mga tala
Hanggang sa sila ay mawala

Nais kong masaksihan ang paglubog ng araw
Na ikaw ang kapiling
Ibubulong ko sa iyo ang nadarama
Kasabay ng paglamon ng dilim

Nais kong maramdaman ang ulan
Ang pagpatak nito sa pisngi’t katawan
At ang pagdampi ng iyong halik
Na sa aking puso’y di mawawaglit

 image from http://www.flickr.com/photos/mar1lyn84/2722712047/