Halfmeant

Sa bawat gabi makatulog ka sana

Na ako ang nasa isip sa tuwi-tuwina

Sa umaga, sa tanghali at sa gabi

Sana maalala mo ang aking mga ngiti

 

Sana’y dahan-dahan ka sa iyo’ng pagkain

Baka mabulunan sana sa kaiisip sa akin

Tingnan ang daan sa paglalakad

Baka madapa kapag naalalala ang lahat

 

Siguro sa sobrang pag-iisip ko sa’yo

Ay dugu-dugo ka na, pangyayari’ng di malayo

Ngayon kaya ay may dila ka pa

O lagi ito’ng nakakagat at di na makapagsalita

 

Kawawa ka naman kung magkagano’n

Sorry ha, di ko lang mapigilan ang emosyon

Gustuhin ko man na di ka isipin

‘Di pwede dude, mahirap ‘yong pilitin

 

October 19, 2005

Wednesday, 12:05am

image from http://www.flickr.com/photos/colinedwards/291628090/

Advertisements