Hanggang Kailan

Kaylan kaya maririnig mula sa’yo

Na ako lamang ang laman ng puso

Hanggang kailan kaya ako aasa

Na iisa lamang ang ating nadarama

 

Kaylan kaya kita mayayakap

Maramdamang muli aking mga pangarap

Makasama ka sa bawat patak ng ulan

Tanging panalangin ko’y muli kang mahagkan

 

Pilit ko ma’ng limutin ka

Paulit-ulit pa rin kita’ng naaalala

Ang mga ngiti at halik ng ating nagdaan

Sa panaginip ko na lang ba muling makakamtan?

 

Hindi ko alam kung hanggang kailan

Hindi ko alam kung hanggang saan

Ano nga ba ang halaga ng lahat sa’yo

Ng masasayang sandali na kasama mo’y ako

 

Hindi ko alam kung hanggang kailan

Hanggang kailan ko pilit iiwasan

Ang isipin ka, alalahanin ka, pangarapin ka

Dahil narito ako at nariyan ka

 

Gusto ko ma’ng sabihin na mahal kita

Alam ko’ng wala namang kahihinatnan pa

Dahil alam ko’ng mundo nati’y magkaiba

At kailan ma’y di na muling magkikita

 

October 18, 2005

1:45am

 

image from http://www.flickr.com/photos/starprod/1560594512/

Advertisements